Sampung libong bato Ni Ronalyn Seminiano Reonico


Ang aking buhay ay puno ng kapalpakan.
Ang iba’y hindi ko gawa, ngunit, ako ang nagdadala’t pumapasan.
Bagay na ang ibang tao’y ‘di nakaranas na
tila isang maligayang pangarap.
Nais kong mamuhay nang tulad sa kanila.
Buhay na pangarap, sana’y ngayon na.
Sampung libong batong nakabitin.
Sa kaibuturan ng aking kalooban ay hindi ko alam, hindi ko batid.
Bakit ako’y hindi nito nasisira?
Hindi lubos makapaniwala,
sampung libong bato ang magtatatag,
maglalabas ng aking kakayahan.
Sa buhay ay nasaksihan ang mga bagay
mga pagkakamaling maaaring tama rin.
Sa tuwing tila lahat ay puro kamalian,
batid na ika’y mayroong dakilang plano.
Sino ang nakaaalam ng iyong iniisip sa akin?
Maaaring mamaya o bukas, katotohana’y
lalantad, ngunit, hindi nais lumingon sa nakalipas.
Sampung libong batong nakabitin sa puso.
Hindi batid kung bakit ito’y hindi nagugutay?
Hindi lubos-maisip, hindi makapaniwala
Sampung libong bato siyang sa aki’y nagligtas.
Sampung libong batong tila kakaibang biyaya.
Sampung libong batong sa aki’y nagbigay-lakas.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments