top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa mga nabubuwisit na dahil umaaraw, umuulan, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA PABAGU-BAGONG PANAHON

  • Donna Thea Topacio
  • May 14, 2019
  • 1 min read

YUNG tipong na­ka-aircon ka nga sa loob ng bahay, pero wala ka pa ring ligtas sa bagsik ng sikat ng araw dahil ma­pipilitan ka pa ring luma­bas para puma­sok sa trabaho o kaya ay bumili ng kung anu-ano. Hays! Kaya para sa mga beshy natin di­yan na nabubuwisit na, na­rito ang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit da­hil sa panahon:

1. DRINK PLENTY OF WATER. Umaraw man o umulan, make sure na iinom kayo ng maraming tubig dahil nakatutulong ito upang mapakalma ang inyong katawan, gayundin nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang mahilo at pagsakit ng ulo.

2. TAKE TIME TO REST. Kung galing kayo sa lugar na may aircon, dapat hindi ninyo bibiglain ang inyong katawan na magbilad kaagad sa araw dahil maaaring makasama ito para sa inyong kalusugan.

3. USE GEAR PROTECTION. Gu­mamit ng props para sa ulan, matinding si­kat ng araw at polusyon. Halimbawa sa mga ito ay payong, sumbrero, facemask at marami pang iba.

4. ALWAYS BRING TOWEL. Ang sagot sa matinding tagaktak ng pawis ay ang pamunas na hindi dapat mawawala sa inyong mga dala-dala, araw-araw. ‘Yung tipong kahit bibili ka lang sa palengke o tin­dahan, dapat may dala ka nito. Okie?

5. DRINK OVER-THE-COUNTER MEDICINE. Kung nararamdaman na nin­yong magkakasakit kayo, walang masama kung iinom kayo ng mga over-the-coun­ter medicine nang sa gayun ay hindi na tu­muloy ang iniinda ninyong sakit na maaari pang lumala kung mapababayaan.

Oh, ayan, bukod sa mga usaping panli­punan, don’t forget na alagaan ang inyong katawan. Mahirap na, lalo na ngayong pa­pangit na nang papangit ang lifestyle ng karamihan. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page