RAPTORS, SA SEMIS NA KAWHI BIDA SA TIRADA


ISANG makapigil-hiningang basket ang huling nagawa ni Kawhi Leonard kung kaya dumagundong ang Scotiabank Arena sa Toronto ng Game 7 para tuluyang mailaglag ang Philadelphia 76ers, 92-90, sa NBA playoffs game kahapon.
Iyan ang dahilan kung bakit nakapasok na sa Eastern Conference semifinals ang Raptors at haharapin ang naghihintay na top seed na Milwaukee Bucks.
Ang fadeaway jumpni Leonard na isang “miracle shot’ ang umano’y kauna-unahang buzzer beater sa NBA history. Tumabla muna sa score na 90-90 ang dalawang teams habang may nalalabi pang 4.2 segundo.
Isang inbound pass ang natanggap ni Leonard na bantay-sarado naman ni guard Ben Simmons ng 76ers.
Hinabol pa siya ni Sixers center Joel Embiid hanggang sa right sideline nang mag-dribble si Leonard sa kanang bahagi ng perimeter. Sumigla na si Leonard pagdating ng ilang segundong nalalabi kahit pa todo bantay sa kanya si Embiid at sabay pagtunog ng huling buzzer.
Na-suspense pa ang mga manonood nang ilang beses na tumalbog ang bola sa rim. Napanganga pa ang lahat sa paghihintay maging si Leonard ay napaupo pa at saka na-swak ang bola sa basket na masasabing isang historical win. “It’s a blessing to get to that point and make that shot and feel that moment, and it’s something I can look back on in my career,” ani Kawhi.
Gulat na gulat din si Raptors guard Kyle Lowry. “It was crazy,” saad ni Lowry. “It was one of those moments where it’s just like a real-life game winner.” May kabuuang 41 puntos si Leonard at may 8 rebounds, 3 assists at 3 steals sa laro. Nakatulong ng 17 puntos si Serge Ibaka habang may 10 puntos si Lowry.
Sa panig ng Sixers, nabalewala ang 21 puntos at 11 rebounds ni Embiid. Magsisimula ang Game 1 sa Huwebes. (MC/ATD)





Comments