Puwede raw magpahinga kapag napapagod, besh! 5 TIPS PARA SA MGA NAWAWALAN NA NG GANA SA BUHAY
- Jersey Sanchez
- May 14, 2019
- 2 min read
No Problem

LAHAT tayo, eh, siguradong umaabot sa punto na nabe-burnout o nawawalan ng gana sa lahat ng bagay. ‘Yung tipong wala kang ganang bumangon tuwing umaga dahil wala kang ganang simulan ang araw mo. Hays! Hindi masamang mapagod dahil ‘ika nga sa kanta, “tao lang, napapagod din”. Kaya para mabawasan ang pagiging ‘feeling tired’ ninyo, narito ang 5 tips para mahanap ang comfort na deserve ninyo:
1. THE POWER OF ‘NO’. Mayroon tayong mindset na ang pagsasabi ng ‘no’ o pagtanggi ay may kasunod na paliwanag. Ayon sa mga eksperto, ang pagtanggi ay magandang option kung ikaw ay pagod sa trabaho o iba pang bagay. Gayundin, hindi mo kailangang magpaliwanag sa ibang tao sa bawat desisyon mo. Okie?
2. TRY JOURNALING. Sa pamamagitan ng notebook at ballpen, puwede mong mailabas ang mga saloobin mo nang sa gayun ay mabawasan ang anxiety at stress na mayroon ka. Sey ng experts, ang paraang ito ay nakapagpapaganda ng mood sa pamamagitan ng paglalabas ng iyong problema, takot o concerns nang hindi nababahala.
3. BEDROOM YOGA. Kung hindi mo bet pumunta sa gym para magyoga, oks lang ‘yun dahil keri mo rin itong gawin sa loob ng iyong kuwarto. Gayundin, ang paggawa umano nito ay nakatutulong upang ma-relax ang iyong utak.
4. APPRECIATION LIST. Kahit gaano tayo kapagod o stressed, siguradong mayroong magagandang bagay na nangyari sa atin. Upang maiwasan ang pagpo-focus sa stress, mabuting ilista ang magagandang bagay na nakapagpasaya sa iyo sa mga nakaraang araw. ‘Ika nga ng Ms. Universe, "look for the beauty in it." Ganern!
5. CREATE A ‘FINSTA’ ACCOUNT. Sa panahon ngayon, pressured tayo sa pagpapanatili ng magandang imahe sa ating social media account dahil konektado rito ang ating pamilya, katrabaho at iba pa. Kung pagod ka na rito, besh, mabuting magkaroon ng finsta account kung saan maaari mong ipost dito ang ‘raw’ at totoong ikaw nang hindi nag-iisip ng sasabihin sa sinumang makakakita nito.
Mga beshy, kung napapagod ka, walang masama kung magpapahinga ka. ‘Ika nga nila,‘pag napagod, magpahinga ka, tapos laban ulit, ganu’n lang, besh!
Always remember, ang physical at mental health ay dapat gawing priority nang sa gayun ay maging mas mabuting indibidwal tayo.
Gets mo?




Comments