top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Motor sinanla | SEKYU TINODAS NG KATRABAHO

Janice Baricuatro
May 14, 2019
1 min read

PATAY ang security guard matapos pagbabarilin ng katrabaho nang magtalo dahil isinanla nito ang kanyang motorsiklo sa Silang, Cavite, kamakalawa.

Alas-11:40 ng gabi nang maganap sa Sitio Casuyan, Bgy. Batas, Silang, Cavite ang insidente kung saan nakilala ang biktimang si Eric Artiaga, security guard, miyembro ng Mega Christian 1616 Investigation and Security Agency, Inc. na napatay ng suspek na si Ernesto Bagus, Jr., 41, security guard din ng nasabing agency at nakatalaga sa nasabing lugar.

Ayon sa kasamahan ng suspek at biktima, nagtalo ang dalawa nang malaman ng biktima na isinanla ng suspek ang kanyang motorsiklo na pilit ipinatutubos ng biktima pero, nagalit ang suspek kaya nagtalo ang mga ito.

Bigla na lang umanong kinuha ng suspek ang nakasabit na service firearm ng biktima at ito mismo ang ipinambaril dito ng ilang ulit kaya hindi na umabot ng buhay sa ospital habang tumakas naman ang suspek bitbit ang armas na hinahanting na ngayon ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page