Mag-amang Crisologo, tinuluyan
- V. Reyes
- May 14, 2019
- 1 min read

SUMAILALIM na si Quezon City mayoral candidate at 1st District Rep. Vicent ‘Bingbong’ Crisologo sa inquest proceedings, kahapon.
Nahaharap si Crisologo sa reklamong direct assault, unjust vexation at obstruction of justice matapos pigilan umano nito ang operasyon ng pulis laban sa umano’y vote-buying sa Bgy. Bahay Toro, Linggo ng gabi.
Itinanggi naman ni Crisologo ang pagkakasangkot sa vote-buying.
Kinuwestiyon din nito ang operasyon ng pulisya dahil wala umanong ipinakitang warrant at hindi sila binasahan ng Miranda Doctrine. Naaresto rin ang anak nitong si Atty. Edrix Crisologo.
Matapos dumaan sa inquest proceedings, nakalabas na rin ang mag-amang Crisologo sa Quezon City Hall of Justice.
Sa panayam, sinabi ni Crisologo na walang epekto sa kanilang kandidatura ang kaso dahil sa patuloy na pagdagsa ng suporta sa kanilang hanay.
Nanindigan naman ang pamunuan ng Quezon City Police District Office na ituloy ang kaso sa mag-amang Crisologo dahil sa umano’y pambabastos sa kanilang mga tauhan.





Comments