top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung maaaring magkaroon ng parte sa mga ari-arian ang dating kinakasama ng kanyang mister

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Nagkaayos kami ng aking asawa maka­lipas ang ilang taon nang hindi pagka­kaintindihan. Sa mga taon na ito, nagkaroon siya ng kinakasama. Ngayon ay naghahabol ang huli sa kanyang parte raw sa mga ari-arian na naipundar ng asawa ko at ikinakatwiran niyang kahit wala siyang kontribusyon sa pagbili ng mga ito, sapat daw na sila ay nagsama ng aking asawa para magkaroon siya ng karapatan bilang co-owner sa mga ari-arian nito sang-ayon umano sa Article 144 ng Family Code. Tama ba siya? — Joline

Dear Joline,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article144 ng Civil Code of the Philippines:

Art. 144. When a man and a woman live together as husband and wife, but they are not married, or their marriage is void from the beginning, the property acquired by either or both of them through their work or industry or their wages and salaries shall be governed by the rules of co-ownership.”

Subalit, ipinaliwanag ng Korte Suprema sa kasong Guillerma Tumlos vs. Spouses Mario Fernandez and Lourdes Fernandez (G.R. No. 13760, 12 April 2000, Ponente: Honorable former Chief Justice Artemio V. Panganiban) na sapagkat iligal ang pagsasama ng asawa at ng kanyang dating karelasyon dahil wala silang kapasidad upang magpakasal, hindi naaayon sa kanila ang Article 144 ng Civil Code, bagkus, ang nakasasakop sa kanilang pagsasama ay ang Article 148 ng Family Code:

“Under Article 148 of the Family Code, a man and woman who are not legally capacitated to marry each other, but who nonetheless live together conjugally, may be deemed co-owners of property acquired during the cohabitation only upon proof that each made an actual contribution to its acquisition. Hence, mere cohabitation without proof of contribution will not result in a co-ownership.”

Samakatwid, ayon sa Article 148 ng Family Code, maaari lamang ituring ang dating karelasyon ng inyong asawa bilang co-owner sa ari-arian na nabili sa panahon ng kanilang pagsasama kung mayroon siyang katibayan na siya ay mayroong aktuwal na kontribusyon sa pagbili nito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page