top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aberya sa halalan | BAHALA ANG COMELEC — DIGONG

Mylene Alfonso
May 14, 2019
1 min read

IPINAUUBAYA muna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections ang naging problema sa pagpalya ng mga vote-counting machine.

Ayon kay Duterte, masyado pang maaga upang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing isyu.

Binigyang-diin ng pangulo na trabaho ito ng poll body na dapat magpaliwanag din muna sa publiko hinggil sa aberyang idinulot ng pagpalya ng mga VCM

Dahil dito, umabot ng mahabang oras ang pagpila ng mga botante para lamang makaboto.

Giit pa ni Duterte, sakaling may aberya sa pagsasagawa ng eleksiyon ang Comelec bilang isang independent body ang siyang mangangasiwa rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page