top of page

Sa kanila na lang daw, Maine... SIGAW NI SAMMIE: MARAMI KAMING MASAYANG ALAALA NI ARJO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 1 min read

AYAW nang pag-usapan pa ni Sam­mie Rimando ng GirlTrends ang ex-boyfriend niyang si Arjo Atayde.

Whatever happened po between us, we’d like to keep it to ourselves na lang po. We have great memories na­man. Sa ngayon po, focused lang talaga ako sa work ko ngayon. Happy po ako sa work ko ngayon,” pahayag ni Sam­mie sa ginanap na press launch ng bagong GT held recently.

Kamakailan lang nga ay pinag-usapan ang mensahe ni Sammie sa kanyang ex na “I’m happy for you but I’m happier,” at naitanong nga rin namin sa kanya ang tungkol dito.

Paliwanag ng pinakabatang miyem­bro ng GT, “I’m happier po ngayon kasi ‘yun nga po, nakapag-focus po ako sa sarili ko ngayon. Kasi since may sakit po si mommy, kailangan ko po talagang mag-strive harder, magtrabaho para sa pamilya ko. ‘Yun nga po, breadwinner ako, kaya ‘yun po. Kung anumang me­ron ako, inaalagaan ko po ‘yun.”

Depensa pa niya, wala naman siyang binanggit na name nang sinabi niya ‘yun.

Samantala, mula sa pagiging isang all-girl dance group ng It’s Showtime, mas pinalakas at mas palaban ang pinagsanib-puwersang talento ng pitong miyem­bro ng bagong GirlTrends na ngayon ay tatawagin nang GT sa paglulunsad sa kanila bilang isang bagong pop group.

Bagong look at isang debut single ang unang handog nina Sammie, Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Joana Hipolito at Dawn Chang sa pagbabagong-bihis ng grupo bilang mga recording artists-performers.

Pinamagatang Breakthrough ang single na isinulat at ipinrodyus ng member na si Mica na hatid ang mensahe ng women empowerment at pagiging positibo sa kabila ng mga dagok sa buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page