PAG-HOST NG SEAG MAY DAGDAG SUPORTA
- BULGAR

- May 13, 2019
- 1 min read

MALUGOD na pinasalamatan ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chair Alan Peter Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang gabinete sa kanilang suporta upang pag-ibayuhin ang preparasyon ng Southeast Asian Games at matiyak ang mataas na kalidad ng pagho-host ng bansa sa naturang international sports competition. “We are very much encouraged by the support of the President and the Cabinet. During the Cabinet briefing, we committed to have the best viewed and best hosted SEA games,” saad ni Cayetano sa isang statement kamakailan.
Sa cabinet meeting noong Lunes, iprinisinta ni Cayetano ang updates hinggil sa paghahanda ng bansa sa SEAG na idaraos sa Nob. 30 - Dis. 11, 2019.
Bukas-palad naman ang PHISGOC sa pag-apruba ng Pangulo para sa dagdag na P1-bilyon pondo para sa pag-host ng bansa sa SEAG. “Nabanggit namin sa Pangulo at sa Cabinet ang hinggil sa progreso at preparasyon kabilang na ang konstruksiyon ng mga pangunahing infrastructure facilities kung saan ang events ay idaraos tulad ng Athletics Stadium, Aquatics Center at Athletics Village,” saad ni Cayetano. (MC)





Comments