Dance instructor na tulak tiklo
Pabs Hernandez III
May 13, 2019
1 min read
MAGUINDANAO—Isang drug pusher na dance instructor ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Baser Benito, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, dalawang sachets ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Benito na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments