Ang agang nagretiro… BEAUTY QUEEN-ACTRESS, INIWAN ANG CAREER DAHIL SA SELOSONG MISTER, NABURO SA BAH
- Erlinda Rapadas T.
- May 13, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
SALUDO ang mga kaibigan ng dating beauty queen-actress sa ginawa nitong sakripisyo para sa pamilya. Kahit beauty queen siya at sumikat din naman bilang artista nang magpakasal sa sikat at guwapong aktor ay naging priority na niya ang kanyang asawa at mga anak. Naging ideal wife and mother siya at nag-lie-low sa kanyang showbiz career.
Kung tutuusin, bata pa naman at maganda ang beauty queen-actress nang mag-asawa at magkaroon ng mga anak. Magaling naman siyang sumayaw at bihasang mag-host. May career pa siya kung tutuusin.
Pero, mas ginusto nga ng beauty queen-actress na maging wife and mother at pansamantalang tinalikuran ang kanyang showbiz career.
Kahit may mga offers sa ilang network ay hindi niya tinanggap. Maligaya na siya sa kanyang simple life as a wife and mother.
Pero, sey ng mga taong close sa beauty queen-actress, seloso at ayaw siyang payagan ng kanyang mister na magbalik-showbiz. Kaya upang hindi na lang mag-away, stay at home na lang si beauty queen-actress.





Comments