top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Alamin mula kay Señor… KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA ARAW NG PAG-ULAN

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatu­loy sa kasagutan sa email ni Rusty ng Rusty_ Libra_Man@facebook.com

Sa iyo Rusty,

Narito, ang mga karagdagang senyales ng pag-ulan:

Sa unang mga araw ngayong Mayo, kapag umulan sa hapon, bukas ng hapon ay uulan din. Ang kaalamang ito ay hindi na ngangailangan pa ng mga dalubhasa sa pagbasa ng lagay ng panahon.

Ito rin ay nagsasabing, kapag umulan sa gabi, bukas ng gabi ay uulan din. Kaya sa umaga kapag umulan, bukas ng umaga ay uulan din.

Kapag kumidlat nang malakas na may pag-ulan sa hapon, bukas ng hapon ay ganundin. Ito ay lihim na kaalaman sa pagbasa ng lagay ng panahon sa mga nag-aaral ng mga lihim na karunungan, pero ito ay lantad na katotohanan sa mga magsasaka o sa mga nasa probinsiya at sa mga mahihilig magmatiyag sa lagay ng panahon.

Bago umulan sa mga araw ng Mayo, makararanas muna tayo ng maalinsa­ngang panahon. Kung gaano katindi ang alinsangan, gayundin, ang lakas ng pag-ulan.

Kapag naglabasan na ang mga kabute, ang pag-ulan ay halos araw-araw na nating mararanasan. Kapag ang mga langgam ay naglabasan, pero hindi dahil sa paghahanap ng iimbaking pagkain, ibig sabihin, ang tag-ulan ay dumating na.

Ngayong Mayo, kapag ang langgam ay nakita sa mataas na parte ng bahay, tinatayang ngayong taon ay tataas ang baha.

Ang pag-ulan din ay inaasahan kapag ang nasabing mga langgam ay nakitang dala-dala ang mga itlog nila na ang tunay na kahulugan ay inilalagay nila sa ligtas na lugar.

Kapag ang mga duck ay tingala nang tingala, ibig sabihin, tinatawag nila ang ulan, kaya sure na uulan.

Gayundin, ang pag-iyak ng mga palaka na ayon sa mga dalubhasa, kaya malalakas ang tunog nila ay dahil sila ay naliligaw o dumating na ang panahon ng kanilang mating season o panahon ng kanilang pakikipagtalik para sa reproduction ng kanilang lahi.

Gayunman, ang pag-ulan ay maki­kitang nakaugnay sa iyak o pagpapatunog ng mga palaka na nagsasabing, sa mga araw na ito ay tiyak na tiyak na uulan.

Kapag ang kambing na nanginginain ay iyak nang iyak, ibig sabihin, alam na alam niya na babagsak ang ulan.

Gayundin, ang mga baka sa bukirin, nagngangawaan kapag ang ulan ay paparating na.

Hindi gaanong mahirap makaipon ng mga kaalaman tungkol sa lagay ng panahon dahil simple lang ang pormula para rito. Ito ay ang pagsunod natin sa aral ni Lord Jesus Christ na Kanyang sinabi, “watch out”, ibig sabihin, sa langit ka tumingin at pag-aralan mo ang lagay ng kalangitan nang sa gayun ay madagdagan ang iyong kaalaman.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page