African swine fever, na-detect sa Hong Kong
NAITALA sa slaughterhouse sa Hong Kong ang kaso ng African swine fever.
Ayon sa pahayag ni Sophia Chan, Secretary for Food and Health sa Hong Kong, na-detect ang swine fever sa baboy na na-import sa Guangdong Province sa mainland China.
Bagama’t, hindi naililipat sa tao ang swine fever, mas mabuti umanong iluto nang maigi ang karne upang ligtas itong kainin.
Ang karne ng baboy ay pangunahing pagkain sa China at ikinokonsiderang national concern ang availability at presyo nito.





Comments