266 nasampolan sa liquor ban

UMABOT sa 266 katao ang nahuli ng mga awtoridad kasunod ng pagsisimula ng liquor ban, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing bilang ay naitala mula alas-12:00 ng madaling-araw hanggang alas-6:00 ng umaga. Sa 266, 186 katao rito ay mula sa Quezon City.
Ipinatupad ang pagbabawal sa pagbebenta at pag-iinom ng alcoholic products para sa paghahanda ngayong May 13 midterm elections.





Comments