top of page
Pokwang.jpg

Vote-buying sa Olongapo, Zambales pinalagan

Jeff Tumbado
May 12, 2019
1 min read

PINABULAANAN ang alegasyon ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon na laganap ang umano’y pamimili ng boto sa Olongapo, Zambales.

Kabilang sa mga pumalag sina Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Zambales 1st District Rep. Jeffrey Khonghun at anak nitong si Subic, Zambales Mayor Jefferson.

Sa ipinatawag na pulong-balitaan, sinabi nina Paulino at Khonghun na gumagawa lamang ng senaryo ang senador.

Kasabay ng pag-akusa ni Paulino na ang kampo ni Gordon mismo ang siyang namimili umano ng mga boto sa ilang mga lugar sa Olongapo.

Maging siya mismo ay inabutan umano ng isang libong piso na may kalakip na campaign materials ng kampo ni Gordon.

Aniya, inabutan siya ng babaeng hindi nakakakilala sa kanya.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Khonghun na mali ang impormasyon na naiparating kay Gordon.

Aniya, walang vote-buying at hindi vote-buying ang pagbibigay ng pera bilang mga allowances lamang ng kanilang mga poll watcher.

Nauna rito, nagpatawag ng press conference si Senator Gordon sa Subic Freeport upang ibunyag ang umano’y malawakang vote-buying sa Olongapo at sa Unang Distrito ng Zambales.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page