top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Trike sumalpok sa van, 3 patay

  • Jeff Tumbado
  • May 12, 2019
  • 1 min read

TATLO ang nasawi habang nasa walong iba pa ang sugatan nang magkasalpukan ang closed van at tricycle sa Himamaylan, Negros Occidental, Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ang driver ng tricycle na si Kevin Jade Montano at mga pasaherong sina Joshua Valdez, 15, at Joy Faith Hontiveros, 9.

Nadala naman sa magkahiwalay na ospital ang anim pang mga pasahero ng tricycle na karamihan ay pawang mga menor-de-edad.

Sugatan din ang driver ng van na si Danny Boy Sanny at pahinante nitong si Roy Daguia.

Nabatid kay Police Lt. Col. Ervin Glenn Provido, nang-agaw umano ng linya ang tricycle habang binabagtas nito ang kahabaan ng national highway at tuluyang nabulaga sa kasalubong na van na nagmula sa pakurbadang daan.

Posible umanong nawalan ng kontrol ang tricycle dahil overloaded ito ng pasahero. Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng van na si Sanny at nahaharap sa kaukulang kaso habang nangako namang tutulong ang may-ari ng van sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page