top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Panawagan ng DOTr, biyahe ng motorcycle taxi, tuloy

  • Ryan B. Sison
  • May 12, 2019
  • 1 min read

INAPRUBAHAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga motorcycle taxi na bumiyahe sa Metro Manila at Cebu sa unang linggo ng Hunyo.

Sa pahayag ng ahensiya, sinabi nilang ginawa nila ito para sa anim na buwang pagsusuri kung papasa ang kaligtasan ng mga motorsiklo para maging pampublikong sasakyan, gayundin, ang disiplina ng mga drayber sa pagmamaneho.

Gayunman, imo-monitor dito ang tinatayang 27,000 mga drayber ng Angkas na ngayon ay patok na patok, lalo na sa mga taong iniiwasang maipit sa matinding trapiko.

Kaya naman pinaalalahanan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kumpanya ng Angkas at mga drayber nito na huwag sirainang tiwala sa kanila na makapagbibigay sila ng maayos na serbisyo sa mga pasahero sa kabila ng mga reklamo hinggil sa iba’t ibang pampublikong sasakyan.

Samantala, magandang balita ito dahil alam nating maraming motorista ang ginagawa na itong hanapbuhay na nakatutulong sa kanila para sa mga pangangailangan at makaraos sa arawaraw.

Kaya para hindi mapurnada ang pagkakataon na ibinigay ng DOTr, hiling natin na sumunod lamang sa batastrapiko at huwag agad pairalin ang init ng ulo.

‘Ika nga, basta sumusunod ang bawat Pilipino, ang pag-asenso ay masisiguro!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page