top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga kandidatong feeling "family corporation" ang puwesto sa gobyerno, ibasura!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2019
  • 1 min read

PANELO, PALPAK ANG ALEGASYON KINA GRETCHEN HO AT HIDILYN DIAZ—Matapos makatikim ng pambabatikos sa publiko si Presidential Spokesman Salvador Panelo nang isangkot niya sa inilabas niyang matrix na kabilang sina television personality Gretchen Ho at Olympian weightlifter Hidilyn Diaz sa nagpaplanong pabagsakin ang gobyerno ni P-Duterte, todo-bawi siya sa kanyang akusasyon at sinabing hindi naman daw niya tinukoy ang dalawa (Gretchen at Hidilyn) na kasama sa "Oust Duterte Movement".

Next time, titiyakin ang akusasyon para hindi pumapalpak sa alegasyon, boom!

◘◘◘

MGA KANDIDATONG MAKADIYOS, MAKATAO AT MAKABAYAN DAPAT IBOTO—Bukas ay araw na ng eleksiyon. Panawagan natin sa mga botante, ang iboto ay ang kandidatong maka-Diyos, makatao at makabayan.

Samantala, ‘yung mga kandidatong "buwaya" at trapo (traditional politician), paniguradong walang gagawing mabuti sa bayan at mamamayan kaya pakibasura na lang sila ngayong halalan, plis lang!

◘◘◘

MAGKAKAMAG-ANAK NA PULITIKO, I-ZERO VOTE—Sa bawat eleksiyon, maraming magkakamag-anak ang sabayang kumakandidato.

Mayroon din naman na kapag ang amang pulitiko ay natapos na ang term sa kanyang puwesto kung hindi ang kanyang misis ay ang anak niya ang pinahahaliling kumandidato sa iiwan niyang posisyon.

Ang tawag sa kanila ay political dynasty, feeling nila ay family corporation ang mga puwesto sa gobyerno.

Sana, ngayong eleksiyon, i-zero vote ng mga botante ang mga magkakamag-anak na pulitiko, period!

◘◘◘

MGA ILIGALISTA, IBASURA NGAYONG HALALAN—May mga drug lord, gambling lord, illegal logger at iba pang kriminal ang sumabak din sa halalan.

Kilala ang mga ‘yan sa kanilang mga lugar na kinakandidatuhan.

Ang mga ganyang uri ng kandidato ang hindi dapat ibinoboto ng mamamayan dahil panigurado, kawalanghiyaan lang ang gagawin ng mga ‘yan sa posisyon, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page