Utos ni P-Digong | P27/KILONG NFA RICE, TULOY

MAGPAPATULOY ang pagbebenta ng P27 kada kilo na bigas ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, may kautusan umano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pagbebenta ng murang bigas sa publiko. Matatandaang, nakalagay sa implementing rules and regulations ng batas na malilimitahan na lang ang papel ng NFA sa pagkuha ng buffer stock para sa kalamidad.
Bago ibaba ang kautusan, nakatakda sanang mawala sa merkado ang P27 NFA rice simula Agosto.





Comments