top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Publiko, tiyaking ligtas — DOTR | ANGKAS, BALIK-PASADA

  • V. Reyes
  • May 11, 2019
  • 1 min read

PINAYAGAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa.

Batay ito sa naging rekomendasyon ng technical working group (TWG) na binubuo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nag-aral sa posibilidad na mapahintulutan na ang motorcycle taxi tulad ng Angkas.

Itinakda sa unang bahagi ng Hunyo ang pilot implementation at operasyon ng motorcycle taxi.

Sakop ng pilot implementation ang Metro Manila at Metro Cebu na tatagal ng anim na buwan.

Paliwanag ng DOTr, ang isasagawang pilot implementation ng motorcycle taxi operations ang magsisilbing batayan sa ilalatag na mga regulasyon ng motorcycle taxi industry sa bansa.

Binalaan naman ang mga ride-hailing service na sumunod sa safety requirements sa kanilang operasyon at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Matatandaang, dalawang beses na ipinatigil ang operasyon ng Angkas dahil sa kawalan nito ng prangkisa at sa kinukuwestiyong paggarantiya sa kaligtasan ng mga pasahero nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page