top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mayor Baldo, sumuko

Jeff Tumbado
May 11, 2019
1 min read

NASA kustodiya na ng pulisya si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na pangunahing suspek sa pagkakapatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ayon sa Daraga Police, kusang sumuko si Baldo, alas-8:30 ng umaga sa Legazpi Regional Trial Court Branch 10, kasama ang kanyang pamilya at abogado.

Itinakda na ng mababang korte sa Mayo 30 ang arraignment kay Baldo dahil sa dalawang count ng kasong murder.

Nauna nang nagpalabas ang hukuman ng warrant of arrest laban kay Baldo.

Si Baldo ang itinuturong utak sa pagpaslang kay Batocabe at sa police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Noong Enero 22, dinakip si Baldo ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa nasamsam na mga armas at bala mula sa kanyang bahay ngunit, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ng P3 milyon.

Iginiit ni Baldo na inosente siya sa mga paratang at may ilang indibidwal lamang aniya ang sumisira sa kanyang reputasyon.

Tatakbo sanang alkalde ng Daraga si Batocabe at makakalaban nito si Baldo sa midterm elections ngayong Mayo 13.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page