Mansyon ni-raid, 1,000 baril nasabat
MAHIGIT 1,000 baril ang nakumpiska ng pulisya sa isang mansiyon sa California.
Nakita ang mga armas sa Holmby Hills at tumagal ng 15-oras para mailabas ang lahat ng mga armas sa mansiyon.
Isinilbi ng mga tauhan ng Los Angeles Police at mga ahente ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosive ang search warrant sa may-ari ng bahay dahil sa hinalang nagbebenta ito ng armas.
Dinakip ng mga awtoridad si Girard Saenz, 57, na nadatnan sa bahay.
Bukod sa 1,000 armas, nakumpiska rin ang maraming bala, gayundin, ang mga gamit sa paggawa ng armas.





Comments