top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LALABAN AT KARAKTER, IIRAL SA GAME 1 NG UST VS. ATENEO

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2019
2 min read

NAIIBANG tapatan ang matutunghayan simula ngayong hapon sa unang pagkakataon sa nakatakdang salpukan ng University of Santo Tomas at Ateneo de Manila University sa women’s finals ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament sa Araneta Coliseum. Parehas na hindi nakausad ang nakaraang taong finalists na De La Salle at Far Eastern University matapos mabigo sa Final Four round, ang da­ting kampeong Lady Spikers sa second seed Tigresses at ang Lady Tamaraws sa topseed Lady Eagles.

Sisimulan ang Game 1 ng best-of-3 finals series sa ganap na 4:00 p.m. Sa unang pagkakataon, muling naka­pasok ng finals ang UST mula noong Season 78 kaya naman determinado silang magwagi at maibalik ang titulo sa España lalo na ang kanilang graduating team captain na si Sisi Rondina.

Para naman sa katunggali nilang Lady Eagles, ito na ang kanilang ikapitong finals appearance sa nakalipas na walong taon at una naman para kay dating men’s champion coach Oliver Almadro bilang mentor ng women’s squad.

“Hindi pa tapos. May isang goal pa kami at ‘yun ay ang manalo ng championship,” wika ng nangu­nguna sa labanan para sa Season MVP na si Rondi­na.”Gusto naming manalo para sa mga fans, sa mga supporters at mga alumni na naniniwala sa amin.”

“Hindi pa kami puwe­deng mag relax. Lalong hindi puwedeng maging complacent,” dagdag naman ng namumunong kandidato para sa Rookie of the Year ho­nor na si Eya Laure.

Ayon pa sa mga pamba­tong hitters ng Tigresses, nananatili ang kanilang battlecry noong Final Four hanggang Finals na “Whatever it takes.” “Kahit anong mangyari, ibibigay pa rin namin ang lahat ng aming makakaya. Whatever it takes, lalaban kami,” ani Laure.

Sa kabilang dako, nanini­wala naman ang mga manla­laro ng Ateneo na sa karakter magkakatalo ang dalawang koponan pagdating ng kampeonato. “Ibang usapan naman ang Finals sa elimination round. For sure both teams will give everything they got,” pahayag ni Lady Eagles co-captain Maddie Madayag. “Ayun nga, it all boils down to character.” Gayunman, iisa sila ng paniniwala ng Tigresses na kailangan nilang magtriple ng ibibigay nilang effort pag­dating ng finals. “We’re not finished yet, we will trust in the Lord, but we will work harder,” wika ni Almadro.

Mauuna rito, sisimulan din ng defending men’s champion National University ang tangkang masungkit ang ikalawang sunod nilang titulo sa pagtutuos nila ng Far Eastern University ng 2:00 p.m. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page