top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kumain ng balut, malason na raw sana… RESBAK NI KRIS SA BASHER: ANAK KA NI SATANAS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2019
  • 1 min read

KAHIT may dinaramdam sa kan­yang kalusugan, matapang pa rin talaga si Kris Aquino at hindi nagpapatalo sa mga bashers.

Isang bully na naman ang sinagot niya nang magkomento ito ng hindi maganda sa kanyang ipinost na larawan kung saan ay makikitang kumakain sila ng balut ng bunsong anak na si Bimby.

Ang nakakalokang komento ng basher, “Malason sana kayong dala­wa.”

Siyempre, hindi ito pinalampas ni Kris. Reply niya, “I am so done being bullied by insane people like you who do it with fake accounts. Kung gusto mo talaga kaming lasunin JUST DO IT and stop hiding behind freaking made up IG accounts. Tulog ka na raw, your dad Satan says it’s time for bed.”

‘Kaaliw din ang sagot niya nang may magkomento na nami-miss na ang kanyang show at wish nitong magbalik siya sa ABS-CBN.

“Not likely to happen... I perfectly understand- ayaw naman ng @abscbn lalong pahi­rapan ang proseso para ma-renew ang broadcast franchise nila,” sagot ni Kris.

Napuna rin ng mga netizens ang sobrang pag­­payat niya ngayon at aniya, she’s trying hard to gain weight pero mahirap daw talaga.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page