Judge pinagbabaril sa parking lot

UTAS ang isang hukom sa Zamboanga del Norte makaraang pagbabarilin, Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Police Major Helen Galvez, ang biktima na si Judge Reymar Lacaya ng Zamboanga del Norte Regional Trial Court Branch 11.
Si Lacaya ay binaril habang nasa parking lot ng Bulwagan ng Katarungan sa Bgy. Poblacion, Liloy.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang hukom mula sa nag-iisang suspek.
Naisugod pa sa Liloy District Hospital si Lacaya ngunit, hindi na rin umabot ng buhay.
Kinumpirma naman ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pananambang kay Lacaya kasabay ng pagkondena sa pagpaslang at paghimok sa pulisya na gawin ang lahat upang malutas at mahuli ang nasa likod ng insidente.





Comments