top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Enforcer, hinabol ng saksak ng rider

  • Maeng Santos
  • May 11, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang isang aircon technician matapos sapakin at habulin ng saksak ang traffic enforcer na nagtangkang humuli sa kanya dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Ferdinand Lauriano, residente ng Bgy. San Jose.

Nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng C4 Road, Bgy. Bagumbayan North sina Troy Tuazon, 46, at Philip Salvador, kapwa miyembro ng Navotas City Traffic and Parking Management Office (CTPMO), alas-7:15 ng gabi nang pahintuin nila ang motorsiklong minamaneho ni Lauriano matapos salungatin ang daloy ng trapiko.

Gayunman, tinakbuhan ng suspek ang dalawang traffic enforcers kaya hinabol siya ni Tuazon hanggang sa makorner sa Padilla St.

Nang hingin ni Tuazon ang kanyang lisensiya, sunud-sunod na sapak ang ibinigay ng suspek na nagawa namang mailagan ng biktima.

Bumunot ng balisong si Lauriano saka hinabol ng saksak si Tuazon na mabilis na nakatakbo hanggang sa makahingi ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek subalit, hindi nabawi ang patalim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page