Campaigh leader binaril sa leeg, todas

DEDO ang tumatayong campaign leader ng isang bise-alkalde matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Dominador East, Alitagtag, Batangas.
Alas-9:15 ng gabi, nagpapahinga sa kanyang kubo ang biktimang si Rogelio del Mundo, 74, biyudo, nang biglang pasukin ito ng suspek.
Agad siya nitong binaril sa leeg bago tumakas sakay ng nag-aabang na motorsiklo patungo sa hindi pa malamang direksiyon. Nadala pa ang biktima sa pagamutan ngunit, binawian din ito ng buhay.





Comments