BARROCA, BUZZER BEATER, ISA NA LANG SA HOTSHOTS!


ISA na lang at masisilo ng Magnolia Hotshots ang korona sa PBA Philippine Cup.
Naging matatag ang Hotshots sa fourth quarter upang itarak ang 88-86 panalo kontra defending champion San Miguel Beer kagabi sa Game 5 ng kanilang best-of-seven finals series.
Paubos na ang oras ng kumana si Mark Barroca ng panelyong dalawang puntos upang tulungan ang Magnolia na ilista ang 3-2 bentahe.
Ipinakita ng Hotshots ang tikas ng kanilang depensa sa unang dalawang periods kaya naman nahawakan nila ang 13-point lead, 49-36 sa halftime.
Nalimitahan ng Magnolia sa apat na puntos si San Miguel star June Mar Fajardo sa first half.
Nambulaga ang Beermen sa simula ng third period, lumagok sila ng 22-4 run upang maagaw nila ang bandera, 58-53 may 5:11 minuto pa sa orasan bago mag fourth.
Subalit hindi nasira ang diskarte ng Pambansang Manok Magnolia, nabawi nila ang unahan, 69-63 papasok ng payoff period.
Samantala, nakaraan lang ay sinilo ni five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ang PBA Philippine Cup Best Player of the Conference award.
Nakakawalo na si 6-foot-10 Fajardo, bukod sa statistical leader, nakuha si San Miguel Beer center Fajardo ng pinakamaraming boto mula sa media, players at PBA para pahabain ang kanyang league record na six straight BPCs sa import-less tournament.
Dominado ni Fajardo ang boto sa media at players nang makakuha ito ng 555 points, kasama ang 150 points bilang top vote-getter at 460 statistical points, humamig din ng 1,165 total ang pambato ng Cebuano .
Malayong segundo si Sean Anthony ng NorthPort (641), at si Roger Pogoy ng TNT (522).
Kinumpleto nina Batang Pier teammates Stanley Pringle (473) at Mo Tautuaa (380) ang top five. Subalit para kay Fajardo ay importante sa kanya ang makuha ang titulo sa PBA Philippine Cup.
Lumakas din ang tsansa ni Fajardo sa pang-anim na sunod niyang season MVP award, kung sakali ay hahaba pa ang kanyang league record. (ATD)





Comments