Pinagtibay ng korte | LIBEL VS. ALVAREZ


TINAWAGAN ng pansin ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga partido na naapektuhan sa umano’y nakasisirang pahayag ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa pamilya ni Rep. Antonio Floirendo, Jr., na maghain din ng pormal na reklamong libelo sa piskalya.
Sa anim na pahinang resolusyon ni Senior Assistant City Prosecutor Dindo Venturanza, inirekomenda nito ang paghahain ng kasong libelo laban kay Alvarez kaugnay ng umano’y pahayag laban kay Floirendo na inakusahan niyang land grabber.
Inihayag ito ni Alvarez sa isang pulong balitaan noong Marso 21, 2018 kung saan binanggit niya ang katagang, “hindi Floirendo apelyido ko para maging land grabber”.
Nag-ugat ang kasong libelo na inihain laban kay Alvarez matapos niyang akusahan ang Pamilya Floirendo ng pagkontrol sa 500 ektaryang lupaing pag-aari ng Bureau of Correction na inupahan ng Tagum Development Corporation.
Sa resolusyon noong Abril 26, 2019, inirekomenda tagausig na maisampa sa korte ang kasong libelo sa ilalim ng Article 353 at 355 ng Revised Penal Code laban kay Alvarez. (BRT)





Comments