top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mister ginulpi, dinukot

Levi Gonzales
May 10, 2019
1 min read

HUMINGI ng saklolo sa pulisya ang isang misis matapos umanong gul­pihin at isakay sa pick-up ang kanyang mister ng tatlong magkakapatid sa Bgy. Bukal, Pagbilao, Quezon.

Ayon sa kanyang sinumpaang-salaysay, ala-1:45 ng hapon nang makita niyang pinag­tutulungang gulpihin ang kanyang asawang si Raymond San Juan.

Sipa, suntok at tadyak umano ang ginagawa sa kanyang mister ng mga suspek na sina Reymart, Ladia at Richard Batilo.

Matapos ang pana­nakit sa asawa, agad umano itong hinatak pasakay sa pick-up bago pinaharurot. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page