Hayskul na holdaper, kulong
- Mylene Alfonso
- May 10, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang isang senior high school student makaraang holdapin at saksakin ang isang miyembro ng LGBT community sa Malate, Manila.
Sinampahan ng kasong robbery with violence ang suspek na si Jeiron Jansen Malong, 18.
Bahagya namang nasugatan ang biktimang si ‘Justine’, 27. Alas-12:30 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa CCP Complex, Pedro Bukaneg St.
Nakipagkilala umano ang suspek sa biktima at niyaya itong mamasyal at mag-usap sa CCP Complex.
Dinala ng suspek ang biktima sa madilim na bahagi ng lugar saka ito tinutukan ng patalim sa lalamunan at nagdeklara ng holdap.
Gayunman, nang aagawin na ng suspek ang bag ng biktima ay nanlaban ito kaya sinaksak sa kaliwang braso at daliri.
Naitakbo nito ang bag na may cash at personal na gamit. Nagsisigaw naman ang biktima hanggang sa makuyog ang suspek ng mga concerned citizen.
Nahinto lamang ang panggugulpi nang mapadaan ang mga tauhan ng Philippine Army na siyang umawat at bumitbit sa suspek sa presinto.





Comments