top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Habang natutulog | PARKING ATTENDANT BINARIL SA ULO, PATAY

Mylene Alfonso
May 10, 2019
1 min read

TODAS ang isang parking attendant matapos barilin sa noo habang natutulog sa tabi ng kanyang kinakasama, kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Bobby Bataller, 39, carwash boy, na nagtatrabaho rin bilang parking attendant at residente ng Parola Compound.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-5:10 ng madaling-araw nang mangyari ang krimen sa isang barung-barong sa tabi ng pinagtatrabahuhan nitong carwash.

Ayon kay Vangilyn de Jesus, kinakasama ng biktima, naalimpungatan siya nang makarinig ng putok ng baril.

Agad umano niyang binuksan ang ilaw at doon nakitang may tama ng bala ng baril ang biktima kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Nabigo naman ang pulisya na makilala ang salarin dahil wala umano silang makitang testigo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page