top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BALASAHAN SA 3X3 AT SA MPBL TEAM, ISINAGAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10, 2019
  • 1 min read

MAGIGING isang winning combination kung magkakataon sa Chooks-To-Go 3 x 3 tour­nament ang Pasig at ang Grind­house Kings.

Sa Maharlika Pilipinas Basketball League, ang dalawang entities ay nag­hiwalay na at ang Pasig ay may bago nang grupo na siyang magte-take­over ng ownership sa Pa­sig Pirates.

Ang Pineda Construc­tion Group ang magma­may-ari ng Pirates simula sa May 10 nang apruba­han ng MPBL ang pag-takeover ng operasyon.

Ang grupo ay opisyal na palalagdain ang ba­gong may-ari sa mansiyon ni league founder Senator Manny Pacquiao kasama ang expansion team, Bicol Volcanoes.

Bukod sa pag-take over sa Pasig Pirates fran­chise, ang bagong owner ay maghahatid ng pamil­yar na mga mukha na mag­ma-manage sa team.

Na-appoint naman si long-time Sta. Lucia Real­tors team manager at two-time PBA Executive of the Year awardee Buddy En­carnado bilang team ma­nager ng Pasig Pirates at kumpirmado ni owner Gene Pineda.

Sa pagkakaroon ng bagong partner ng Pasig sa MPBL, lumagda ang Grindhouse Kings sa Imus Bandera.

Sa ilalim ng kasunduan, ang Grindhouse Kings ang magiging managing partner ng binalasang grupo.

Kinumpirma ni Lou Abad na manager ng Grindhouse Kings ang partnership at magiging bagong head coach si Budds Reyes ng squad.

Sumailalim ang Imus sa proseso ng pagbalasa, ini-release ang key play­ers na sina MPBL All-Star Ian Melencio, dead­shot swingman Winston Baltazar, pesky guard Dan Alberto at ex-pro Jo­mari Sollano. Ang bagong Imus management ay ina­asahan na iaanunsiyo ang kabuuan ng player sa la­long madaling panahon. (VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page