After ng halalan | BRIGADA ESKWELA, NEXT

PAGKATAPOS ng halalan, ang Brigada Eskuwela naman ang pagkakaabalahan ng Department of Education (DepEd).
Sa pamamagitan ng External Partnerships Service (EPS), nabatid na ipatutupad ang Brigada Eskuwela o ang National Schools Maintenance Week, mula Mayo 20 hanggang 25.
Ang national kickoff program at caravan naman para rito ay isasagawa sa Mayo 16, 2019 sa Alfonso Central Elementary School sa Cavite.
Ang Brigada Eskuwela ngayong taon ay may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan.”
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ang Brigada Eskuwela ay higit pa sa paglilinis at pagsasaayos lamang ng paaralan dahil ito’y pagtiyak sa kaligtasan ng mga estudyante habang sila ay nasa loob ng mga paaralan.
Nabatid na sa nakalipas na 15 taon ng programa, patuloy na lumalawak ang Brigada Eskuwela at noong 2018 lamang ay nakalikom ng kabuuang P4.66 bilyong halaga ng resources.
Dumarami rin ang volunteers nito sa buong bansa na mula sa 11 milyon noong 2017 ay dumoble at naging 22 milyon noong 2018.





Comments