2 huli sa mga sangkap ng pampasabog

DALAWANG lalaki ang dinakip ng pulisya matapos makuhanan ng nasa sampung sako at 14 apat na container na naglalaman ng highly explosive substances sa Matnog Port sa Sorsogon, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Byrne Gajisan, 40, at Joemar Quimno, 24.
Naaresto ang mga suspek alas-6:30 ng umaga dahil sa pagtatangka na ibiyahe sa karagatan ang mga sangkap sa paggawa ng pampasabog na walang dokumento mula sa Firearms and Explosive Division (FED) at sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).





Comments