Spa na may ‘extra service’ ni-raid, 5 tiklo

HULI ang lima katao nang salakayin ang SPA na sinasabing nagbibigay umano ng ‘extra service’ o panandaliang-aliw sa mga kalalakihang parukyano sa Las Piñas City.
Hindi naman pinangalanan ang mga nahuli.
Ayon kay Las Piñas City Police Chief P/Colonel Simnar Gran, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang Blue Orchid Wellness SPA, alas-10:35 kamakalawa ng gabi sa Alabang-Zapote Road, Bgy Pamplona Uno.
Kaugnay ito sa reklamong natanggap nila dahil sa paglabag umano ng naturang SPA sa City Ordinance Article 202 of RPC in relation to RA 10364 and Violation of CO (No Business Permit, Mayors permit and Health Permit).
Nalaman na nagbibigay umano ito ng extra service sa ilang parukyano.
Nakuha ng pulisya ang 3 pirasong P1,000 bills, 1 pirasong P500 bill, 1 face towel at gamit na AILLX Natural Latex Condom. Nang isinagawa ang raid, naaktuhan pang hubo’t hubad ang isang babae na tumangging ipabanggit ang pangalan.





Comments