Sori na lang daw sa fans, friends na lang sila ng padir ni KC… SIGAW NI SHARON: WALA NA TALAGA AKONG
- BULGAR

- May 9, 2019
- 2 min read

SA mga fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na tila umaasa pa yata sa balikan ng dalawa, nagbigay na ng final word si Megastar sa latest post niya sa kanyang Instagram account.
Ayon kay Sharon, wala na talaga siyang pag-ibig pa or malisya para sa ex-husband.
“Sorry, mga anak kong S-G. Wala na talaga, eh. Wala na talagang pag-ibig o malisya. Kunin man ako ni Lord ngayon. Friendship pa alang-alang LANG kay KC. Pero okay din naman kundi na rin ibibigay ni Lord. Mas quiet at peaceful! Lab yu kids,” ang caption ni Sharon sa kanyang ipinost na short video ng interview niya sa DZMM.
After ng caption, naglagay si Sharon ng hashtags na #sorrynotsorry #butsanafriendsehwalaeh.
Ang post na ito ni Sharon ay para sa reaksiyon ng mga Sharon-Gabby fans sa kanyang panayam kung saan ay na-mention lang naman niya ang ex-husband habang ikinukuwento ang pagiging piloto ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta.
Komento ng isang fan, “Oh, GABBY! GABBY! GABBY! bukang bibig ka ni BABE-y ( Oh! Baby!!! P.S. ‘Yung totoo mama babes? Kahit minsan ba, nawala si papey sa isip mo? Pati ba naman kasi sa DZMM TELERADYO nababanggit pa rin ang pangalang GABBY!! Akala ko ba sabi mo “I HATE YOU” You lied to me! “YOU MADE ME BELIEVE” ?? Papi, nami-miss ka na talaga ni Mama Babes. Kaya magbati na kayo at gumawa na kayo ng movie para everybody happy! Wooot wooot! partey! partey!”
Actually, hindi naman talaga dapat sila tinutukso dahil alam nating parehong may iba nang asawa ang dalawa noon pa man.
Sharon has just celebrated her wedding anniversary with Sen. Francis Pangilinan at 23 years na silang married.
At hindi naman dapat pang linawin ni Sharon na wala na siyang love for Gabby dahil the moment na nagpakasal siya kay Sen. Kiko ay understood na ito.
Mas okay sana kung ang nilinaw na lang ni Sharon ay kung magkakabati pa ba sila ni Gabby or kung magkakaroon pa ba sila ng reunion movie.





Comments