Sey ng experts... MGA TAONG ADIK SA PAGPAPA-TAN, PRONE SA DEPRESYON!


‘YUNG tipong kahit anong lagay ninyo ng sunblock, eh, hindi pa rin ninyo maiwasan ang pagkakaroon ng tanned skin, hays! Gayunman, usapang pagpapa-tan, alam ba ninyo na ang indibidwal na sobrang adik sa pagpapa-tan ay prone sa depresyon? Hala!
Bukod sa skin cancer na maaaring makuha sa sobrang pagpapa-tan, sinabi ng mga eksperto na maaari rin daw itong maging addictive kung saan nagreresulta ito ng mood swings, anxiety at depresyon.
Upang mapatunayan ang pag-aaral na ito, nagsagawa ang mga researcher ng eksperimento sa 421 estudyante mula sa Northeastern University kung saan 229 sa mga ito ang mahilig magpa-tan at base sa kanilang pag-aaral na ang mga estudyanteng natuklasang adik dito ay madalas na nakararanas ng mga sintomas ng anxiety, kagustuhang uminom ng alak at depresyon.
Samantala, ang pag-aaral ay sinuportahan ng konseptong ito na maituturing na addictive behavior.
Gayunman, ayon sa mga doktor, wala umanong masama sa kahiligan sa pagpapa-tan, pero make sure lang na hindi ninyo ito sosobrahan nang sa gayun ay hindi kayo mapahamak.
Totoo talaga ‘yung kasabihang, ang lahat ng sobra ay nakasasama kaya ru’n tayo sa sapat lang. Okie?
Oh, ayan, kung bet na bet ninyong mag-swimming kahit tirik na tirik ang sikat ng araw, maglagay na lamang kayo ng sunblock para protektahan ang inyong balat.
Copy? He-he-he!





Comments