top of page
Pokwang.jpg

Pulis binentahan | VENDOR AT PEDICAB DRIVER TIMBOG SA DROGA

Maeng Santos
May 9, 2019
1 min read

ISANG babaeng vendor at pedicab driver na sideline umano ang pagtutulak ng iligal na droga ang arestado matapos magbenta ng shabu sa pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) Head Police Major Antonio Naag ang mga na­arestong suspek na sina Ro­dalyn Domingo, 39, listed/pusher at Emilio Tumalad, 48, kapwa ng Julian Felipe St., Bgy. 8.

Ayon kay Major Naag, alas-3:30 ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna nina PSSG. Raymund Nagar III at PCpl. Romer Esteban ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tupda St., Bgy. 8 matapos ang kanilang natanggap na ulat hinggil sa pagbebenta ng mga ito ng iligal na droga sa naturang lugar.

Nagawang makaiskor ng undercover police na nag­panggap na poseur-bu­yer sa mga suspek ng sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Nang magbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kabaro na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka si­nung­gaban ang mga suspek.

Ani DDEU Investigator PCpl. Elouiza Andrea Di­zon, narekober sa mga sus­pek ang apat na sachets na naglalaman ng hindi pa ma­batid na halaga ng hinihina­lang shabu at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page