top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga epektibong proyekto at programa ni "makoy", buhayin!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2019
2 min read

LUMINDOL na naman.

Pinakahuli ang pagyanig sa Tawi-tawi.

Hindi kaya warning ito sa “The Big One”?

◘◘◘

SUNUD-SUNOD din ang pagpatay na may kaug­nay sa eleksiyon.

Normal na madugo ang halalan!

◘◘◘

MAY bagong exposé si P-Digong kontra sa kanyang mga kritiko.

Siyempre, panahon ng eleksiyon ngayon!

◘◘◘

BUMUWELO na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson bilang presidentiable sa 2022.

Hindi kaya mabiktima rin siya ng ‘demolition job’?

◘◘◘

ITINATANONG ng ating masugid na tagasu­baybay na si Ka Popo kung anu-ano raw ang agricultural program na isiner­bisyo ng Kabataang Baran­gay Agricultural Training Center sa Mt. Samat sa Bataan?

Naalala ni Ka Popo, ang mahalagang progra­ma ng KB para sanayin ang kabataan sa larangan ng agrikultura!

◘◘◘

ITINAYO ang KB Agricultural Training Center sa Mt. Samat kung saan isina­sai­lalim sa kursong pang-agrikultura ang kabataan nang walang bayad.

Sa totoo lang, may allowance pa ang mga “iskolar”.

Bilang pangulo ng Balagtas KB Federation sa Bulacan, nakapagdala tayo ng halos 50 kabataan sa naturang sentro ng pagsasanay!

◘◘◘

KABILANG sa libreng kurso ang animal husbandry o pag-aalaga ng mga hayop sa bukirin.

Kabilang ang goat raising, cattle raising, duck raising at iba pang module na makatutulong sa kabataan upang maging produktibong hanay ng lipunan!

◘◘◘

AWTOMATIKONG kasama sa module ang leadership training at ang pag-aaral at pagsusuri sa ideo­lohiyang Filipino.

Nang mawala si dating Pangulong Marcos sa Malacañang, naglaho rin ang naturang sentro ng pagsasanay sa Gitnang Luzon!

◘◘◘

ANG KB Agri Training Center sa Mt. Samat na kakambal ng KB-NMYC training center sa Tabang, Gui­guinto, Bulacan na pina­litan ng pangalan at ngayon ay TESDA Regional Training Center.

Ang TESDA naman sa Taguig ay dating KB-National Manpower and Youth Council (KB-NMYC) ay itinayo rin sa panahon din ni dating Pangulong Marcos!

◘◘◘

Noong panahon ng KB, si Gov. Imee ay madalas na nagpupunta sa KB-NMYC (TESDA) upang saksihan ang mga nagtatapos, hindi lang sa skills training program kundi maging sa “cultural program”.

Ang gym dito ay sentro rin ng aktibidad na pangkultura!

◘◘◘

ANG “Dulaang Sisiw” seminar-workshop ni Ame­lia Lapeña Bonifacio ay regular ding ginagawa sa KB-NMYC Center sa Taguig kung saan isa tayo sa mga nagsipagtapos.

Mahalagang magka­ro­on ng sentro ng skills, agricultural at cultural training center sa bawat rehiyon tulad sa TESDA (KB-NMYC) sa Taguig!

◘◘◘

Maraming programa si dating Pangulong Marcos ang pinalitan ng pangalan, pero siya ang orihinal na nagtayo nito!

ISA tayo sa patuloy na nagsusulong na dapat ibalik, buhayin at ituloy ang mga epektibong prog­rama at proyekto ni dating Pangulong Marcos!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page