Malalakas na aftershocks sa Eastern Samar
MULING nakapagtala ng malalakas na pagyanig ang San Julian, Eastern Samar ilang linggo matapos unang yanigin ito ng Magnitude 6.5 na lindol.
Alas-11:00 ng umaga ng Miyerkules nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Magnitude 4.7 na lindol.
May lalim na limang kilometro ang aftershock na lindol at tectonic ang origin o pinagmulan.
Naitala ang Intensity IV sa San Julian, Maydolong at Borongan City, Eastern Samar; Intensity III sa Gen. MacArthur, Eastern Samar at Catbalogan City, Samar at Intensity II - Lawaan, Eastern Samar at sa Tacloban City.
Alas-11:08 ng umaga nang muling makapagtala ng Magnitude 3.0 na lindol sa bayan ng San Julian pa rin.
Naramdaman ang Intensity III sa San Julian, Maydolong at Borongan City sa Eastern Samar.
Sa kabila ng mga lindol, walang inaasahan ang Philvolcs na pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershock.





Comments