top of page
Pokwang.jpg

LTFRB sa Grab: P50 CANCELLATION CHARGE, STOP

V. Reyes
May 9, 2019
1 min read

IPINATIGIL pansamantala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P50 na cancellation at no-show fees ng Transport Network Companies (TNCs) tulad ng Grab Philippines.

Inilabas ng LTFRB ang desisyon kasunod ng idinaos na dayalogo ng ahensiya at ng mga kinatawan ng iba’t ibang TNCs.

Ang cancellation at no-show fees ay dagdag-singil sa mga pasahero na magkakansela ng bookings, limang minuto matapos makapag-book sa drayber at mga pasahero na hindi sisipot sa pick-up point sa loob ng limang minuto makaraang dumating ang tsuper.

Paliwanag ng LTFRB, habang sinusuri nila ang polisiya, may mandato ang ahensiya na tiyakin ang proteksiyon at interes ng mga stakeholder tulad ng riding public.

Dagdag ng LTFRB, may responsibilidad din ang ahensiya na siguraduhing ang Public Utility Vehicles (PUV) ay naniningil ng makatwirang pasahe.

Nagkasundo naman ang LTFRB at mga TNC na bumuo ng Technical Working Group (TWG) na tututok sa mga polisiya sa pasahe at iba pang isyu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page