Lalo na sa mga anak na nagdadalaga at nagbibinata na... TIPS PARA MAPAGANDA ANG RELASYON SA MGA MAGU
- Justine Daguno
- May 9, 2019
- 3 min read

MAHAL natin ang ating mga magulang sa anumang dahilan, kumbaga, given na ‘yun. Pero, madalas, challenging sa iba, lalo na sa mga teenager ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanilang mga magulang.
Ayon sa pag-aaral, napakaraming dahilan kaya nagkakaroon ng “awkwardness” sa pagitan nina mamshie/papshie at bagets tulad ng retirement o career changes, isyu sa kalusugan, masyadong pag-iisip sa kani-kanyang future at marami pang iba.
Gayunman, worry no more para sa iba riyan dahil bago kayo tuluyang maging “awkward” sa isa’t isa, narito ang ilang paraan para maging close tayong mga anak sa ating mga magulang:
1.TALK TO YOUR PARENTS A S FRIENDS. Kapag itinuturing pa rin tayong bata ng ating mga magulang kahit nasa wastong edad na tayo, makabubuti kung kausapin natin sila tungkol dito tulad ng pakikipag-usap natin sa ating mga kaibigan kapag may crush tayo sa school o may naisip tayong gawin sa buhay. Huwag tayong matakot magkipag-usap o makipagkuwentuhan dahil kapag nalaman nila kung gaano na kalawak ang ating mga nalalaman, unti-unting magbabago ang kanilang pakikitungo sa atin at siyempre sa “matured” na pamamaraan. Okidoki?
2. KEEP YOUR SENSE OF HUMOR. Sino ba ang ayaw sa taong may sense of humor? ‘Yung tipong chill lang. Well, ayos siguro kung mag-i-initiate tayo ng jokes kapag kasama natin sina mama at papa. Kapag may joke tayong hindi sila natawa o nagalit pa, okay lang ‘yan at mag-try na lang ulit tayo hanggang sa mapatawa natin sila. Isa pa, wala namang masama kung mapasaya natin ang ating mga magulang, ‘di ba? Malay mo kahit hindi ikaw ang kanyang kamukha, ikaw ang magiging paborito niyang anak kasi funny ka. Puwede!
3. TELL YOUR PARENTS WHAT BOTHERS YOU. Feel man natin o hindi, concern ang ating parents sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Hindi dapat tayo maging “secretive” sa kanila. Kapag mayroong mga gumugulo o hindi tayo maintindihan, huwag tayong mahiyang magsabi sa kanila. Bagama’t, hindi nila ito lubos na maiintindihan, at least, alam nating sila ay mapagkakatiwalaan at hindi nila tayo basta huhusgahan. Okay?
4. DON’T ASK YOUR PARENTS ADVICE OR OPINION UNLESS YOU REALLY WANT IT. Sa totoo lang, ang paghingi ng payo o opinyon sa ating mga magulang ay parang paghingi na rin ng approval. Halimbawa, hihingi tayo ng payo tungkol sa love life, panigurado, ang ending niyan, eh, mape-pressure tayo sa kanilang mga ideya na dapat ganito o ganyan ang gawin natin. Gayunman, kung super hirap na talaga tayong mag-decide, eh, i-share na lang natin sa kanila at maghintay tayo kung ano ang kanilang ideya tungkol sa ating problema. Gets mo?
5. IMAGINE THINGS FROM THEIR PERSPECTIVE. Magkakaiba ang tipo ng mga magulang — may tradisyunal, may buddy o parang friendship lang at may magulang na super magkaiba kayo ng ugali at paniniwala. Bago natin i-push na makipag-close sa kanila, maging open-minded muna tayo. Dapat may ideya tayo sa mga point of view nila sa buhay para hindi maging mahirap sa inyong dalawa ang maging close sa isa’t isa.
6. KEEP CALM. Lahat ng bagay ay kailangan ng timing at patience dahil kapag minamadali, lalo itong mauudlot kaya mas okay kung hahanap tayo ng tamang tiyempo kapag makikipag-usap tayo sa kanila, pero siyempre, huwag natin hahayaang umabot ito ng mahabang panahon.
Marahil, para sa iba ay mahirap talaga ang makibagay sa mga magulang dahil iba ang henerasyon nila sa atin, pero tandaan natin na ang mga magulang ang tangi nating kaibigan o masasandalan na kahit kailan ay hindi tayo iiwanan at pababayaan. Ngayong malapit na ang Mother’s Day, gamitin natin itong pagkakataon para umpisahan ang pagiging malapit kay mamshie!
Copy?




Comments