Kung sina Richard Yap at Xian, excited… ENRIQUE, INISNAB ANG ALOK NG AMERICAN DIRECTOR NA GAGAWAN NG

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAPANSIN ng American actor, director, producer at writer na si William Henry Duke, Jr. o mas kilala bilang Bill Duke ang galing at karisma ng mga aktor na sina Enrique Gil, Richard Yap at Xian Lim.
Ilan sa mga Hollywood movies na ginawa ni Bill ay ang crime film na Deep Cover, A Range in Harlem at Sister Act 2: Back in the Habit.
Bukod dito, lumabas na rin si Bill sa ilang sikat na Hollywood films na Commando, Predator at X-Men: The Last Stand.
Sa tatlong magkakasunod na tweets, inimbitahan niya sina Xian, Richard at Enrique para sa isang lunch at para pag-usapan na rin ang project na puwede nilang gawin na isang ‘spy movie’.
Ani Bill, “When you come to Los Angeles stop by #DTLA for lunch to discuss International Spy Movie,” kung saan naka-tag ang tatlong aktor.
Game na game namang sumagot sina Richard at Xian, kung saan inihayag nila ang excitement at pagsang-ayon nila sa plano ng American director.
Samantala, kapansin-pansin naman na mukhang hindi interesado ang aktor na si Enrique dahil sa hindi niya pagsagot sa tweet ni Bill.





Comments