Kapitan, arestado sa baril
ARESTADO ng mga awtoridad ang isang barangay tserman matapos magsagawa ng operasyon kontra sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril sa Bgy. San Sebastian, Balete, Batangas.
Kinilala ang suspek na si Gerardo Villanueva, kapitan ng Bgy. San Sebastian.
Batay sa report, inihain nila ang search warrant laban sa suspek at makaraan ang ilang oras nilang paghahalughog, tumambad sa kanila ang baril, magazine at mga bala.
Samantala, sa magkasunod na operasyon sa iba’t ibang lugar sa Batangas, nalambat ang 12 pinaghihinalaang tulak ng droga.
Kabilang sa sinalakay ang aarestuhin at napatay namang suspek na si Rodrigo Andres, 41, may asawa, ng Bgy. Makiling, Calamba, Laguna. Napatay ito matapos umanong manlaban sa bahagi ng Sto. Tomas, Batangas.





Comments