First time jobseeker, libre sa requirements, wala namang bakante, ngek!

JINGGOY, IN SA INC; JV, LAGLAG—Noong 2013 election, binitbit ng kapatiran ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Sen. JV Ejercito, pero ngayon ay laglag siya kasi ang inendorso ng INC ay ang utol niyang si ex-Sen. Jinggoy Estrada.
Dahil d’yan, tiyak na lalong uusok sa galit si Sen. JV kay Jinggoy kasi kung hindi siya sinabayan ng kanyang kuya sa pagtakbong senador ay malamang, kabilang siya sa inendorso ng INC, period!
◘◘◘
IBASURA ANG PARTYLIST NG MGA TRAPO!—Nanawagan sa publiko ang iba’t ibang youth organizations na ibasura ngayong eleksiyon ang mga partylist na may koneksiyon sa mga traditional politician o trapo.
Aba, dapat lang kasi kapag nanalo ang partylist ng mga trapo ay hindi naman interes ng inirerepresenta nilang sektor ang isusulong nila kundi interes ng mga trapo, mga buwisit!
◘◘◘
GOOD NEWS AT BAD NEWS SA MGA PINOY FIRST TIME JOB SEEKER—Good news! Sa nilagdaang batas ni P-Duterte na “First Time Job Seekers Assistance Act” ay libre na ang mga public document na requirements para sa mga Pinoy na first time mag-a-apply ng trabaho.
Ang bad news, “no vacancy” naman ang mga kumpanyang pinag-aaplayan nila ng trabaho, boom!
◘◘◘
‘BIKOY’, TABLADO SA IBP—Tama ang naging desisyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na tanggihan ang inihihirit na legal assistance ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na nag-akusa kina Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte at senatorial candidate ex-SAP Christopher “Bong” Go na sangkot sa droga.
Hindi naman kasi katanggap-tangap na bigyan ng legal assistance si “Bikoy” na isa palang scammer dahil sangkaterba pala ang kinakaharap nitong kasong illegal recruitment at swindling, period!





Comments