COLLEGIATE STARS AT PBA PLAYERS, LALARO SA MPBL
- BULGAR
- May 9, 2019
- 1 min read

MGA collegiate stars na sina Kib Montalbo at key member ng 2016-2017 La Salle Green Archers champion team at dating Far Eastern University standout na si Arvin Tolentino, ang pawang maglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League.
Maglalaro si Montalbo sa isinaayos na Makati Super Crunch, isa sa pinakamainit na teams sa kasalukuyang MPBL Datu Cup, pero kinapos sila bago ang playoffs at natalo sa Quezon City Capitals sa northern division quarterfinal round.
Bukod kay Montalbo, palalaruin din ng Super Crunch si PBA journeyman point guard Simon Atkins na nai-release na kamakailan ng Meralco Bolts kasama sina Juneric Baloria at big man Rino Berame.
Sina Baloria at Berame ang pinakahuling lumipat para sa Super Crunch na hahawakan ni head coach Cholo Villanueva.
Isa sa top scorers sa kasalukuyang MPBL Datu Cup, si Baloria ay naglaro sa Pampanga Dong Lanterns ng nagdaang season, may average na 15.38 points kada game.
Si Berame ay isang 6-foot-5 center na nagpasyang umalis sa Zamboanga ng nakaraang season dahil may bago nang may-ari ang prangkisa. (MC)
Comments