top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

70-anyos pinagsasaksak ng anak

Levi Gonzales
May 9, 2019
1 min read

KRITIKAL sa paga­mu­tan ang 70-anyos na magsa­saka matapos pag­sasaksa­kin ng kanyang anak sa Sitio Pulyok, Bgy. San Isidro, Can­delaria, Quezon.

Pasado alas-7:00 ng umaga, nasa loob ng kani­lang bahay ang biktimang si Reynaldo Duarte, ka­sama ang suspek na anak na si Sancho, 36, may asawa.

Nagtalo umano ang da­lawa sa hindi pa mala­mang da­hilan hanggang sa mairita ang suspek at kumuha ng patalim.

Nakatakbo pa palayo ang bikitma subalit, hi­nabol at naabutan siya nito saka pinagsasaksak ng ilang beses sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan.

Dali-dali siyang isinu­god sa pagamutan ha­bang naaresto ng mga barangay official ang sus­pek at dinala sa pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page