top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

4TH WINS, HINATAW NG CSB VS. ONLINE SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2019
2 min read

PINATAOB ng Go for Gold-CSB ang AMA Online Education, 109-91, para sa ika­apat na sunod nilang pa­nalo sa 2019 PBA D-League kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nanguna para sa nasabing panalo ng Scratchers si Roosevelt Adams sa itinala nitong 21 puntos, 17 rebounds, at 5 assists kasunod si Robi Nayve na may 19 puntos at 5 rebounds.

Rumatsada ang Go for Gold-CSB at nagposte ng 7-0 run sa huling minuto ng third quarter upang maiposte ang 77-68 na kalamangan bago tuluyang kumalas at luma­mang ng 32-puntos sa 4th period.

Bunga ng panalo, uma­ngat ang Scratchers sa ika-4 na puwesto sa Aspirants Group taglay ang kartadang 5-3, panalo-talo.

Nagtapos na may 30 pun­tos, 12 rebounds, 4 assists at 3 steals si Joshua Munzon kasunod si Franky Johnson na may 26 puntos, 6 steals, at 4 assists para sa Titans subalit parehas silang na thrownout bago natapos ang laban. Dahil sa kabiguan, na­lagay sa bingit ng eliminasyon ang AMA na bumagsak sa barahang 2-4.

Sa ikalawang laban, hu­mabol ang Valencia City Bu­kidnon-SSCR mula sa 20 pun­tos na pagkakaiwan upang magapi ang Metropac San Beda sa double overtime, 96-92. Sinelyuhan ni JM Calma ang panalo sa pamamagitan ng isang lay-up sa nalalabing 14.5 segundo ng ikalawang extension.

Namuno si Allyn Bula­na­di para sa tagumpay ng Valencia-SSCR sa itinalang 32 puntos, 8 rebounds, 5 as­sists, at 5 steals, kasunod si RK Ilagan na pumukol ng limang triples at tumapos na may 31 puntos, 6 rebounds, 5 assists, at 4 steals. Nasiguro ng nasabing panalo ang pag-usad ng Golden Harvest sa playoff sa pag-angat nila sa 6-1 na rekord sa Foundation Group. Nanguna si Clint Doli­guez na nagposte ng 21 puntos at 5 rebounds para sa Metropac-San Beda na bu­maba sa 3rd place ng kanilang grupo pagkaraang malaglag sa markang 6-2.(VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page